Wednesday, October 14, 2009

KFC - PKV '09 Misamis Oriental Gag Script


Mao kini ang akong gisulat nga script para sa Kids For Christ - Provincial Kids Village diri sa Dakbayan sa Cagayan de Oro. Hinaot unta nga dili ninyu kawaton thanks! ehehe

Theme: “Kids on a Mission”

Gag Script: Sector A


Narrator: Isang Araw (music)
(jun2x nagaaktong makulit at ginagawa ang lahat ng gusto niya)

Jun2x: Waah! Mamaaaaah! Asan na po yung?? Choko yey! (w/ back up singers)

Mama: Anak eto nalang muna, kasi dito ako, panatag.

Jun2x: Mama naman eh, alam niyo namang ayaw na ayaw ko niyan, mas gusto yung, Choco yey!

Mama: Hay! (bunting Hininga) sige na nga.. Oh eto, ang paborito mong choco yey!

Jun2x: Wow!

Narrator: Kinabukasan (music)
Gumising na si Jun2x para sa skul.

Jun2x: Ma! Asan na yung?
Bolpen ko? Notebook ko? Baon ko? Asan na? maaaa???

Narrator: Nalito na ang nanay ni Jun2x kung ano ang uunahin niya sa lahat pinapagawa at pinapahanap ni jun2x. Pero ginawa niya ang lahat para mahanap lang ang lahat ng ito. (music) At nung na tapos na! (music)

Mama: Oh anak, mag-aral kang mabuti ha?

Jun2x: Alam ko na yan ma. Basta’t sa’kin, Panatag ka.

Narrator:At nang nakaalis na si Jun2x, nagdasal ang kanyang nanay. At nag usap ang nanay at tatay niya.

Mama: (may bukas pa..) Bro, banatayan niyo si Jun2x at tulungan niyo po kaming palakihin siyang batang mabait.

Papa: Ma, Asan na si Jun2x? Nakaalis na? mabuti naman.

Mama: Kain na tayo.. UHmmm, pa?

Papa: Oh? Bakit?

Mama: Ano kaya kng ipasali natin si Jun2x sa nalalapit na PKV ngayong taon?

Papa: PKV? Yung sa Kids For Christ? Oo nga ma, tama! Magandang ideya yan!
Para naman makilala ng anak natin si Jesus.

Mama: Oo, ng maging mabait na bata siya paglaki niya.

Narrator: Yun nga ang nangyari at walang patumpik-tumpik na niregister nila si Jun2x para sa PKV... sa kabilang banda, sa school.. nakilala ni jun2x si Bitoy.

Jun2x: (naglalakad habang kumakain ng...) Aray!!! Ano ba yan?? Tignan mo tuloy! Natapon ang pagkain ko!!

Bitoy: Aii, sorry ha.. hindi ko sinasadya, hindi kasi kita nakita eh.

Jun2x: Hindi nakita, sa laki mo na yan? Sus, ang sabihin mo sinadya mo talaga akong bonguin.

Bitoy: hindi naman. Sige, dahil natapon yang pagkain mo, share nalang tayo nitong pagkain ko, madami kasi to, sayo nalang tong isa para may makain ka rin.

Jun2x: Masarap ba yan?

Bitoy: Oo, naman! Nanay ko pa kasi gumawa nito. Eto oh.

Jun2x. Uhmmm, cge nga. (nasarapan si Jun2x.)

Bitoy: aii, ako nga pala si Bitoy, ikaw ano pangalan mo?

Jun2x: ako? Ako si Jun2x, anak ako ng nanay at tatay ko.

Narrator: At dun nag simula nag ang pagkakaibigan ni Jun2x at Bitoy.
(music) nakita ni Jun2x ang malaking nakaprint sa T-shirt ni Bitoy. “KFC AKO!”

Jun2x: KFC ka pala?

Bitoy: Oo, kasi CFC members ang nanay at tatay ko. Ikaw?

Jun2x: Ako? Hindi eh, si mama at papa membro ng CFC, pero ako hindi ako KFC eh.
Hindi ko kasi feel. You know.

Bitoy: Ahh, alam mo jun2x, sabi ng nanay ko, lahat ng kids, for Christ.

Jun2x: lahat ng kids, for christ? Para kay kristo? Kay Jesus? Ano ibig sabihin nun?

Bitoy: Ibig sabihin kahit tayong mga bata ay para at nanggaling kay Jesus! Kasi mahal niya tayo. Sabi ng nanay ko yan! At naniniwala ako sa kanya.

Jun2x: Uhmmm...

Narrator: Napaisip si Jun2x sa kanyang narinig at nalaman mula kay bitoy.

Bitoy: Uhmm, sige ah, magpreprepare pa kasi ako para sa PKV bukas eh,

Jun2x: PKV? Ano yun?

Bitoy: Ahh.. sa PKV kasi , nagtitipon ang lahat ng mga KFC sa isang probinsiya. Tiyak ko na magiging masaya na naman tong ngayong taon. Cge ha?

Jun2x: (UHmm. PKV? Masaya? Ano kaya kung....?)
Mama! Sali ako sa PKV! Yung sa KFC? Yung masaya! Yung bukas! Ma!! Pa!!

Mama: Oh, jun2x, anak! bakit? Oh. Ahh. Ano? Ahh.

Papa: Oh jun2x, wag ka nang mangamba, tapos ka na naming naregister sa PKV, nakahanda na rin lahat ng gamit mo, eto oh.

Narrator: Kinabukasan...

Mama at Papa: Oh jun2x mag-ingat ka anak ha? Enjoy! God bless!

Narrator: Yun nga! Pumunta na nga si jun2x sa PKV, at dun ay marami xang naging kaibigan at sa buong PKV kasakasama niya ang matalik niyang kaibigan. Maraming natutunan si Jun2x sa PKV, at pag-uwi niya ay naging mabait na xang bata. At dala dala niya ang mga sinabi ni Bitoy, na lahat ng kids ay para kay Jesus, at siya ni JESUS. Hanggang ngayon palaging sinasabi ni Jun2x sa kanyang mga kaklase na mahal sila ni Jesus.
Si Jun2x ay isa ng ganap na Kid on a Mission...

COPYRIGHT PROTECTED 2009

mAO KINI si dong bodong, naga-ingon! Go! KFC MisOr!

No comments:

Post a Comment

Unsa imung maka-ingon???